Panimula


      Sa panahon ngayon, mahalaga ang pagkakaisa ng bansa upang mabawasan ang problema ng isang bansa o dili kaya nama’y ang buong bansa. Dahil dito, nabuo ang globalisasyon. Ang globalisasyon ay ang pag-igting ng ugnayan ng bawat bansa sa daigdig. Dahil dito, ang wikang ginagamit bilang midyum ng buong mundo bilang komunikasyon ay wikang Ingles.


     Ngayon, marami ng Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa sa kadahilanang mas mataas ang kanilang suweldo doon kaysa sa Pilipinas. Kahit sa Pilipinas, karamihan sa mga Pilipino ay ang wikang gamit ay Ingles dahil maraming dayuhan ang namamahala ng mga kompanya dito. Pati sapagtuturo ay Ingles ang ginagamit lalung lalo na sa pribadong paaralan upang mahasa ang bata sa pagsasalita ng Ingles para sa kanilang kinabukasan.



     Dahil sa mga problemang ito, naisip ng aming grupo na mag-isip at gumawa ng paraan upang hindi tuluyang mawala o mabawasan ang nagsasalita ng sarili nating wika sa panahon ngayon lalo na sa panahon ng globalisasyon.

2 komento: