"Hindi naman masisisi ang pamamayani ng wikang Ingles kaysa Filipino dahil ito rin ang nakasanayan, lalo na’t ginagamit na pakikipagtalastasan ang Ingles sa pagtuturo sa paaralan. Ayon kay Pamela Constantino sa kaniyang akdang “Filipinolohiya: Tungo sa Pagbuo ng Disiplinang Filipino sa Panahon ng Globalisasyon,” tila kaakibat na ng globalisasyon ang “pagiging agresibo” ng wikang Ingles na ginagamit ng mga pinakamakapangyarihang bansa sa mundo tulad ng Amerika. Dahil dito, itinuturing na mas nakaaangat ang paggamit ng wikang Ingles kaysa Filipino. Ngunit sa kabila nito, patuloy pa ring ginagamit ang wikang Filipino sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Filipino. May mga nanonood pa rin ng pelikulang Tagalog. Inaawit pa rin ang mga kanta nina Basil Valdez at Regine Velasquez. Wikang Filipino rin ang ginagamit sa halos lahat ng programa sa telebisyon at radyo. Sa kabila ng globalisasyon, nagkakaroon din ng tinatawag na “Filipinisasyon” ng mga kulturang dayuhan na pumapasok sa ating bansa. Isinasalin sa wikang Filipino ang mga telenobelang Koreano, maging ang mga kanta nina Rihanna at Chris Brown. Nagkakaroon din ng bersyong Pinoy ang mga sikat na programang banyaga tula d ng Survivor at Big Brother." (Francisco 2009)
"Ang Ingles ay itinuturing na pangalawang wika ng mga Filipino, ang pangunahin ay ang wikang Pilipino. Bagopa man sila matutong magsalita ng ibang lenggwahe, dapat ay matagumpay nilang maipahayag ang kanilang sarili sa wikang natural sa kanilang mga dila." (Wilson 2011)
"Ang paggamit ng wikang Ingles bilang opisyal na wika para sa edukasyon ay maaaring magdulot ng paglimot sa sariling wika. Ito rin ay nagpapakita na walang tiwala at pagmamahal ang mga Filipino sa kanilang sariling wika. Iniisip nila na ang tanging paraan tungo sa kaunlaran ay ang tumulad sa mga bansa na sa panahong kasalukuyan ay maunlad, hindi nila naisip na isang posibilidad tungo sa pag-unlad ay ayusin ang mga problema sa loob mismo ng bansa bago pa man isipin ang globalisasyon." (Wilson 2011)
Pinagmulan ng riserts:
http://varsitarian.net/editorial_opinion/opinion/20090831/globalisasyon_at_ang_wikang_filipinohttp://definitelyfilipino.com/blog/2011/07/21/ingles-ang-susi-sa-globalisasyon-ganun-ba-iyon/
http://varsitarian.net/editorial_opinion/opinion/20090831/globalisasyon_at_ang_wikang_filipinohttp://definitelyfilipino.com/blog/2011/07/21/ingles-ang-susi-sa-globalisasyon-ganun-ba-iyon/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento